Monday, May 15, 2006

Wala Na Ang Umaga

Ang buhay nga talaga
Minsanan lamang ang saya
Bakit puro luha ang namamayani sa aking mga mata

Mundo ay kaylupit
Pangarap ay laging naiipit
Wala na yatang makikita pang bukas
Bituin na lang ba ang siyang gabay at lakas

C: Wala nang umaga
Wala na bang umaga?
Wala na yatang umagang darating pa
Ito ba ang tadhana
Kay-ilap ng pag-asa
Sa buhay kong dilim ang nakikita

Ang buhay nga talaga
Ni ang araw ay ‘di ko na kilala
Ang liwanag ay tanging nasa tala
Ganyan kaliit ang aking pag-asa

Ang hagupit ng problema
Walang kasimpait at sama
Naisip ko ngang sana’y ang mundo’y magunaw na
Kapalit ng hapding dinarama

C

Luha nga lang ang aking kaibigan at karamay
Kasama ang musikang tila walang kasinglumbay
Ngunit kung sa buhay may nababago’t nawawala
Maaari pang sumikat ang liwanag ng isa pang umaga
O maaaring hindi na…

C

Ngunit kung ganito na
Ang buhay magpakailanman
Wala na nga…
Wala na ngang umaga…
Visit my personal blog

0 Comments:

Post a Comment

<< Home