Sunday, May 14, 2006

Sa Bagay

Minsan naiinis ako sa mundong ito
Kung bakit ako’y lagging nalilito
Mahal kita, sa bagay alam ko iyon
Pero ‘di ko masabi sa iyo

Natutuwa ako kapag nakangiti ka
Saksi ang araw at ulap sinta
Pero kung siya ang dahilan ng iyong saya
Nag-iiba na ang aking nadarama

C: Sa bagay, mahal kita
Pero galit ako sa’yo
Kung bakit ‘di ako pwede sa buhay mo
Sa bagay iyan ang tadhanang
Ibinigay sa akin ng Maykapal
Akin na lang itong tatanggapin ng maluwal

Nahihiya akong kausapin ka
Dahil lagi mong kasama siya
Sa bagay, pwedeng sabihing perpekto ka
Mga bagay mo halos lahat kaya

Kapag nga naiisip kita
Problema ko’y biglang nawawala
Pero bakit ganoon, nag-iba ang panahon
Nalulungkot na ako ‘pag nakikita ka

C

Siguro hanggang pangarap lang
Itong ‘di maalis na pagtingin
Baka nga sa isang iglap
Ay mawala ka na…
Mawala ka na…
Mawala ka na…
Mawala ka na…

Talagang ‘di tayo pwede
Ngunit hindi bale
Sa sandaling mawalan ka ng masasandalan
‘Di man ako dumating ng kaagahan
Nandyan ang langit para humiling ka
Sa bagay ‘di mo na naman ako kailangan pa…

Visit my personal blog

0 Comments:

Post a Comment

<< Home