Monday, May 15, 2006

Puso Sa Kanta

Sumasakit na ang aking ulo
Kaiisip ng magandang tono
Upang umangkop sa temang nais
Dito sa awiting para sa iyo

Gamit ko ang kwerdas ng gitara
Kasabay ang tiklado ng piyano
Hindi man kagandahanang titik at tiyempo
Ngunit pakatandaan na ito’y galling sa puso

C: Kapag ika’y naiisip
Nagbibigay lakas lumikha ng awit
Ikaw ang siyang nagbibigay tuwa
Naglalagay ng puso sa kanta

Kapag kasama ka tuwina
Ako ay nahihibang sa tuwa
Ikaw lamang ang tanging nagpupuno
Naglalagay ng puso sa kanta

Nais kong ito’y iyong mabatid
Ang tunay na damdamin sa dibdib
Gugustuhin ko ngang lumikha pa
Ng mas marami pang mga kanta

Tila gumaganda na ang tono
Ang kahulugan ng mga liriko
Katahimikan sa aking puso
Ang paligayahin ang isang tulad mo

C

Ikaw lang ang iniisip ko
Gusto kong ito’y malaman mo

C
Visit my personal blog

Wala Na Ang Umaga

Ang buhay nga talaga
Minsanan lamang ang saya
Bakit puro luha ang namamayani sa aking mga mata

Mundo ay kaylupit
Pangarap ay laging naiipit
Wala na yatang makikita pang bukas
Bituin na lang ba ang siyang gabay at lakas

C: Wala nang umaga
Wala na bang umaga?
Wala na yatang umagang darating pa
Ito ba ang tadhana
Kay-ilap ng pag-asa
Sa buhay kong dilim ang nakikita

Ang buhay nga talaga
Ni ang araw ay ‘di ko na kilala
Ang liwanag ay tanging nasa tala
Ganyan kaliit ang aking pag-asa

Ang hagupit ng problema
Walang kasimpait at sama
Naisip ko ngang sana’y ang mundo’y magunaw na
Kapalit ng hapding dinarama

C

Luha nga lang ang aking kaibigan at karamay
Kasama ang musikang tila walang kasinglumbay
Ngunit kung sa buhay may nababago’t nawawala
Maaari pang sumikat ang liwanag ng isa pang umaga
O maaaring hindi na…

C

Ngunit kung ganito na
Ang buhay magpakailanman
Wala na nga…
Wala na ngang umaga…
Visit my personal blog

Layag

Oras na
Para maglayag
Oras na
Upang maglakbay sa dagat
Ihanda ang sarili
Tayo’y aalis na
Kasabay ng pamamaalam
Ay ang ngiting umaalab

Tayo na
Kasama ka, ‘di ba?
Tayo na
Maglalakad at magsasaya
Itong bagong mga pagsubok
Haharapin nating lahat
Kasabay ng paglalaban
Ay ang puso at dignidad

C: Tara na, kasama ka
Sa agos ng buhay
Walang iwanan, lahat damayan
Tara na, kasama ka
May bagong pag-asa
Kung puso lang ang gagamitin
Kay saya

‘Di natin maiwasan
Ang mga pagsubok na iyan
Kapag sumuko ka
Walang magagawa
Babagsak ka na lang bigla

Tumayo ka naman dyan
Maging matatag ka’t palaban
Lahat ng iyan
Malalampasan
Basta’t Diyos ang sandigan

C

C2: Tara na, kasama ka
Hanggang sa huli
Lahat kakayanin, lahat gagawin
Tara na, kasama ka
May bagong pag-asa
Hanggang lahatay mamahinga
Tayo na…
Visit my personal blog

Fly

Why do we fly?
Why do I need to fly?
Like birds in the sky
Why, why should I fly high?

Why would I do
Such thing that I might die?
When I fall down
I’d rather stop and sigh

I know, I know now
Why, why I will fly high
Why, why I will fly high
I want to be with you now
I’ll love you that I’d die
I want to soar and fly high…
Now…
Visit my personal blog

Sunday, May 14, 2006

Sa Bagay

Minsan naiinis ako sa mundong ito
Kung bakit ako’y lagging nalilito
Mahal kita, sa bagay alam ko iyon
Pero ‘di ko masabi sa iyo

Natutuwa ako kapag nakangiti ka
Saksi ang araw at ulap sinta
Pero kung siya ang dahilan ng iyong saya
Nag-iiba na ang aking nadarama

C: Sa bagay, mahal kita
Pero galit ako sa’yo
Kung bakit ‘di ako pwede sa buhay mo
Sa bagay iyan ang tadhanang
Ibinigay sa akin ng Maykapal
Akin na lang itong tatanggapin ng maluwal

Nahihiya akong kausapin ka
Dahil lagi mong kasama siya
Sa bagay, pwedeng sabihing perpekto ka
Mga bagay mo halos lahat kaya

Kapag nga naiisip kita
Problema ko’y biglang nawawala
Pero bakit ganoon, nag-iba ang panahon
Nalulungkot na ako ‘pag nakikita ka

C

Siguro hanggang pangarap lang
Itong ‘di maalis na pagtingin
Baka nga sa isang iglap
Ay mawala ka na…
Mawala ka na…
Mawala ka na…
Mawala ka na…

Talagang ‘di tayo pwede
Ngunit hindi bale
Sa sandaling mawalan ka ng masasandalan
‘Di man ako dumating ng kaagahan
Nandyan ang langit para humiling ka
Sa bagay ‘di mo na naman ako kailangan pa…

Visit my personal blog

Lumipad Ka

Kung ikaw ay natatakot
Sa hinaharap mong dilim
Waring ibong ‘di makalaya
At ‘di pinapansin

Matapang mo nang hinarap
Ngunit umatras pa rin
Ngayo’y di ka na makagalaw
Sa pwesto mong kaysikip

R: Hinahanap (hinahanap) hinahanap
Isa lang ang paraan upang makalaya ng ganap (ng ganap)

C: Lumipad ka (lumipad, lumipad)
at harapin mo ang lahat
Ng gusto mo dahil sa iyo iyan dapat
Lumipad ka
Harapin mo silang buong-buo
Dahil hindi sila ang may-ari ng mundo, ito’y iyo

Kapag sila ay nanloloko
Sa tinatahak mong landas
Huwag pansinin, bagkus harapin
Ang misyon ng buong lakas

Kapag nasimulan mo na
Kailangang tapusin
Huwag kang mangamba
Akin kita lagi’y gagabayin

R
C

Dahil kapag lumipad ka
Buong mundo’y mag-iiba
Mmmmm…

R
C
Visit my personal blog

The Eagle

I am the eagle
That’s what I am
I’ll spread my wings and learn to fly again with the rainbow

We are the eagles
Who fought since then
We’ll use our claws to destroy them with confidence

C: We all seek for freedom
But freedom is leaving us
We keep following everyday
Just to get it all completely

But struggles keep us slow
Making us lose control
But we fight for it, fight for it, fight for it

I am the savior soul
I’ll give you strength
That will lead you to success and lots of happiness

We are the savior souls
Who keep fighting for good
We can all fly with ease with no pain inside our hearts

C

Fight for it…fight for it…

I am the eagle
That’s what I am
Visit my personal blog

It's Only You

I close my eyes, I finished it now
Tomorrow I’ll never be with you
I just can’t take those tears I cried
Well, I decide to end up now

To find a way to let you go
I’ll be on my own, I’ll let myself stand straight

C: But I can’t make a single step
Without a guide, without a friend
And I should need a single hand
Even if not for a lifetime

I was alone, I was confused
To get me out of true darkness
It’s only you, who filled my mind
With joy and faith, love and hope

To find a way to let you go
I’ll be on my own I’ll let myself stand straight

C

It’s only you who filled my mind
I cannot hide

C

Yes, I cannot make, oh…
Without you, oh…
And I should need you, oh…
It’s not forever, forever

C

Oh…
It’s only you
Visit my personal blog

Pag-ibig Lang

Minsan tayo’y mayroong problema
Na ‘di maiwasan, na ‘di mailagan
Kailangang mayroong paraan
Upang solusyonan ang kakulangan

Kung tapat na pag-ibig ang hanap
Na ‘di maiwanan, talagang kailangan
Humanap ng taong tama at
Walang alinlangan, walang kailangang punan

R: Mahalin ito ng wagas at tapat
Huwag na huwag maguguluhan
Sa kung ano ang hadlang
Basta’t kayo ay magtulungan
Upang maghari ang pag-iibigan

C: Pag-ibig lang, makapagbabago
Dito sa ibabaw ng umiikot na mundo
Pag-ibig lang, makapagligaya
Sa puso’t damdamin ng bawat isa

Kung puso’t isip ang may sabi
Na huwag siyang iwanan, huwag na huwag siyang saktan
Hanapin ang tama at dapat
Dahil puso’y uhaw sa pag-ibig na sapat

R
C

C2: Pag-ibig lang, makakapagsasaad
Kung ano ang gusto, hilig o ang hangad
Pag-ibig lang, makapag-aalay
Ng kapayapaan sa ating buhay
Ahhhh…

C
C2

Magmahal lang tayo ng tapat
Solusyon sa problema nati’y magiging sapat…
Visit my personal blog

O Aking Kaibigan

Sa iba’t ibang pagkakataon
Naturuan mo akong bumangon
Binigyan mo ako ng pag-asa
Upang ang tagumpay ay matamasa

Ako’y umiyak, lumuha at sumigaw
Parang suko na sa aking buhay
Ngunit ikaw lamang ang nag-iisa
Taong nagbigay-kulay

C: Akala ko noon, ako’y nag-iisa
Nawawala, walang makasama
Ngunit bigla kang nagpakita
Mundo ko’y lumiwanag, at saya ang nadarama

Inalalayan mo ako na parang bata
Tinuruan mo akong maglakad ng mag-isa
Minsan nadapa ako ngunit wala iyon
Hawak ang kamay mo at bumangon

Pag-asa, kalayaan at saya
Ibinigay mo noong ako’y nag-iisa
Dahil sa iyo o aking kaibigan
Pagtulong mo’y walang hanggan

C

Salamat sa iyo o kaibigan ko
Nagmistula kang kandilang
Nagbigay ilaw sa aking mundo

C

Ika’y aking ilaw
Upang aking matanaw
Ang ganda ng mundong dakila
Salamat sa tulong na ginawa
‘Di ko malilimutan ang isang katulad mo
Visit my personal blog

Thursday, May 11, 2006

Maraming Salamat

Hanap, hanap ko’y iyong mga halik at yakap
Nagpapaligaya sa aking buhay
Kailangan ko ito upang harapin ang mga pagsubok

Pa’no, paano mo ko mapapansin kung ganito
Kung ‘di mo naman ako kinakausap
Paano na ang mga pangarap na mapapako na lang

Lumalapit ako kahit ‘di man sabihin
Sana’y mapansin mo agad rin
Kailangang ipadarama, ‘pang ‘di matapos dahil ‘di ko kayang mag-isa

Isip, nag-iisip kung paano ka mamahalin
Ng lubos, tapat at wala nang kapalit
Upang maangkin na ang ‘yong puso at damdamin

Kaso, patuloy kang lumalayo sa aking landas
Kaya minsa’y nasasayang lang ang oras
Ngunit wala iyon dahil ikaw ang nasa isip ko

Hinahanap ka, ‘di mo man ako pilitin
Gusto kong ito’y naisin mo rin
Ako ay lagging masaya
Dahil sa iyong ganda, ‘di ko kayang mawalay pa

Instrumental

Tayo’y magsasama nang maluwal sa ating damdamin
Ibibigay sa’yo lahat ng naisin
Basta’t ipadarama
Sa’kin ang iyong pag-ibig na walang hanggan

Pag-ibig mo, maraming salamat sa
Pag-ibig mo, salamat muli sa
(repeat 5 times)

Pag-ibig mo…
Salamat muli sa…
Visit my personal blog

Hapdi ng Mundo

Noon ang ating bansa'y tahimik at dalisay
Mga ibong nagkakantahan, puno ay nagsasayawan
Ngunit nasira ang lahat, pag-aaway naging ganap
Hindi alam ang dahilan nang ang gulo ay sumiklab

C: Bakit ba ganito?
Nagkagulo ang buong mundo
Nawasak ang lahat ng ito
Dahil sa inyo, o inyo

Paano ang mga bata, umiiyak at sawang-sawa
Sa ingay na naririnig mula sa armas at bomba
Pagdanak ng maraming dugo, kahit mga inosenteng tao
Kailangan pa bang mabahiran ng hapdi ang mundo?

C

C2: Bakit ba ganito?
Lumuluha, nasasaktan, nahihirapan tayo
Sobra na ang dusa
O Diyos bigyan niyo po sana kami ng pagkakaisa

Aahh...aahhh...

Bigyan niyo po sana kami ng pagkakaisa...

Sobra na ang hapdi ng mundo
Hilumin naman ito...
Oohhh...
Magkaisa naman tayo...
Visit my personal blog

Tuesday, May 02, 2006

May Pag-asa Pa

Sa ating buhay minsan ay nadadapa
Minsan nama’y nawawala ang landas
Sa ating buhay, maraming problema
Bakit ba ganito, naghihirap tayo

R: Ngunit iyan ay pagsubok lamang
Huwag mangangamba, may pag-asa pa

C: May pag-asa pa, lakasan ang loob mo
Kapag nadapa kailngang bumangon
May pag-asa pa, may pag-asa pa
Tapusin ang lahat ng iyong problema, dahil may pag-asa

Bakit ganito, tayo ay nagtatampo
Naghahanap ng kasaganahan ditto sa mundo
Punasan ang luha, at magbagong simula
Hangga’t buhay ka pa, walang pagtataka, dahil

R
C

Dapat tayo’y masaya
Dahil binigyan tayo ng buhay na masagana

C

Dahil may pag-asa...
Visit my personal blog

Saturday, April 08, 2006

Welcome to My Music Box!!

hahaha
Visit my personal blog