Sunday, May 14, 2006

O Aking Kaibigan

Sa iba’t ibang pagkakataon
Naturuan mo akong bumangon
Binigyan mo ako ng pag-asa
Upang ang tagumpay ay matamasa

Ako’y umiyak, lumuha at sumigaw
Parang suko na sa aking buhay
Ngunit ikaw lamang ang nag-iisa
Taong nagbigay-kulay

C: Akala ko noon, ako’y nag-iisa
Nawawala, walang makasama
Ngunit bigla kang nagpakita
Mundo ko’y lumiwanag, at saya ang nadarama

Inalalayan mo ako na parang bata
Tinuruan mo akong maglakad ng mag-isa
Minsan nadapa ako ngunit wala iyon
Hawak ang kamay mo at bumangon

Pag-asa, kalayaan at saya
Ibinigay mo noong ako’y nag-iisa
Dahil sa iyo o aking kaibigan
Pagtulong mo’y walang hanggan

C

Salamat sa iyo o kaibigan ko
Nagmistula kang kandilang
Nagbigay ilaw sa aking mundo

C

Ika’y aking ilaw
Upang aking matanaw
Ang ganda ng mundong dakila
Salamat sa tulong na ginawa
‘Di ko malilimutan ang isang katulad mo
Visit my personal blog

0 Comments:

Post a Comment

<< Home