Monday, May 15, 2006

Layag

Oras na
Para maglayag
Oras na
Upang maglakbay sa dagat
Ihanda ang sarili
Tayo’y aalis na
Kasabay ng pamamaalam
Ay ang ngiting umaalab

Tayo na
Kasama ka, ‘di ba?
Tayo na
Maglalakad at magsasaya
Itong bagong mga pagsubok
Haharapin nating lahat
Kasabay ng paglalaban
Ay ang puso at dignidad

C: Tara na, kasama ka
Sa agos ng buhay
Walang iwanan, lahat damayan
Tara na, kasama ka
May bagong pag-asa
Kung puso lang ang gagamitin
Kay saya

‘Di natin maiwasan
Ang mga pagsubok na iyan
Kapag sumuko ka
Walang magagawa
Babagsak ka na lang bigla

Tumayo ka naman dyan
Maging matatag ka’t palaban
Lahat ng iyan
Malalampasan
Basta’t Diyos ang sandigan

C

C2: Tara na, kasama ka
Hanggang sa huli
Lahat kakayanin, lahat gagawin
Tara na, kasama ka
May bagong pag-asa
Hanggang lahatay mamahinga
Tayo na…
Visit my personal blog

0 Comments:

Post a Comment

<< Home