Thursday, May 11, 2006

Hapdi ng Mundo

Noon ang ating bansa'y tahimik at dalisay
Mga ibong nagkakantahan, puno ay nagsasayawan
Ngunit nasira ang lahat, pag-aaway naging ganap
Hindi alam ang dahilan nang ang gulo ay sumiklab

C: Bakit ba ganito?
Nagkagulo ang buong mundo
Nawasak ang lahat ng ito
Dahil sa inyo, o inyo

Paano ang mga bata, umiiyak at sawang-sawa
Sa ingay na naririnig mula sa armas at bomba
Pagdanak ng maraming dugo, kahit mga inosenteng tao
Kailangan pa bang mabahiran ng hapdi ang mundo?

C

C2: Bakit ba ganito?
Lumuluha, nasasaktan, nahihirapan tayo
Sobra na ang dusa
O Diyos bigyan niyo po sana kami ng pagkakaisa

Aahh...aahhh...

Bigyan niyo po sana kami ng pagkakaisa...

Sobra na ang hapdi ng mundo
Hilumin naman ito...
Oohhh...
Magkaisa naman tayo...
Visit my personal blog

0 Comments:

Post a Comment

<< Home